Abot sa lampas 10,000 netizen ang naapektuhan ng biglaang pagloloko ng Twitter nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa NetBlocks, isang internet monitoring organization, naapektuhan ng outage pati ang mobile application ng Twitter.
“Twitter is experiencing international outages affecting the mobile app and features including notifications,” ayon sa NetBlocks.
Ayon naman sa DownDetector, libo-libo ang user report na nagkaroon ng problema sa pag-access sa Twitter.
Wala namang pormal na anunsyo si Twitter owner Elon Musk sa naturang outage.
Ngunit isang netizen ang ni-replyan niya at sinabi ng bilyonaryo na gumagana naman daw ang Twitter sa kanya.
“Works for me,” sambit ni Musk.
Matatandaan na maraming empleyado ng Twitter ang sinibak simula noong umupo si Musk bilang CEO ng naturang social media site. (RP)
The post Twitter nagloko, 10K netizens naloka! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento