Maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang binaha nitong Pasko dahil sa shear line at Amihan.

Ayon sa ulat, sa Llorente, Eastern Samar, ilang pamilya ang nag-Pasko sa mga evacuation center matapos pasukin ng baha ang kani-kanilang bahay.

“May mga nagpalipas na pamilya dito sa evacuation centers, pero ‘yung iba naman po tulad ng Barangay Naubay, is sa ibang bahay sila nag-Christmas,” pahayag ni Shirley Valdez, ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, sa DZBB.

Samantala, nasa 470 pasahero naman umano ang nag-Pasko sa Romblon Port matapos ma-stranded doon dahil sa malalakas na alon.

Maraming lugar din umano sa Lamitan City, Basilan ang binaha dahil sa patuloy na pag-ulan. (IS)

The post Visayas, Mindanao binaha ngayong Pasko first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT