Inireklamo ng isang food delivery app customer ang isang vlogger na sinasabing nagpahiya umano sa kanya sa pagbanggit ng buong pangalan niya sa vlog nito.

Inakusahan umano ng vlogger na ito ang costumer na nameke ng booking sa isang nakakakaawang rider.

Sa panayam ng “I-Abante mo” sa nagrereklamong costumer na si Trixie Bueno, ipinaliwanag niyang nag-reply naman umano siya sa rider ngunit “late reply” na.

Hindi na rin niya umano na nakuha ang sana’y pina-deliver dahil binili na umano ito ng vlogger na kanyang inirereklamo.

Nang tinanong kung may epekto ba ito sa kanya, sinabi ni Bueno na nabu-bully na raw ang mga anak niya dahil dito at nag-aalala na rin ang kanyang mga kaanak sa mga comment ng mga taong hindi naman alam umano ang buong katotohanan sa likod ng video.

Samantala, sa tulong ng “I-Abante Mo” sa nagrereklamo, nakipanayam din ito sa isang abogado na nagsabi na maaaring kasuhan ng “Libel case” ang vlogger dahil sa umanoy paninirang-puri at pagbanggit na rin sa buong pangalan ni Bueno.

(Jan Terence)

The post Vlogger na namahiya ng costumer, inireklamo! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT