Sumasabay sa Gen Z ang pormahan ni Vice President Sara Duterte para sa isang party!

Binahagi ni Giselle Sanchez ang outfit ni VP Sara para sa isang Coachella-themed party.

Doon makikita na nakasuot ng crop top ang Bise Presidente.

Pero syempre, hindi naman kita ang tiyan ng VP Sara dahil nakasuot pa rin siya ng skintoned na damit panloob.

“VP @indaysaraduterte wears a skintone inner garment over her “stay weird” crop top still following the dress code guidelines of public servants attending events,” sey ni Giselle.

“But does everybody agree with me that she’s the coolest and most astig when it comes to committing to a #coachella themed party!” lahad pa niya.

Marami naman ang naaliw sa pagiging game ni VP Sara sa pagsabay sa trip para sa party.

The post VP Sara Duterte Game Magsuot Ng Crop Top first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT