Pumalo na sa 56 na katao ang nasawi dahil sa matinding lamig na dala ni winter storm ‘Elliott’.
Ayon sa mga awtoridad sa western New York, 27 na katao na umano ang nasawi sa lugar pa lang ng Buffalo. Ang ilan pa umanong nasawi ay natagpuan sa loob ng kanilang sasakyan.
Tinataya naman na nasa 19,643 na US airline flights ang na-delay at nasa 5,779 naman ang kanselado.
Sa kabuuan, nasa 20,000 na flights ang nakansela, nag-iwan ito ng libo-libong katao na na-stranded lamang sa mga paliparan ngayong kapaskuhan.
Hindi naman inaasahan ni New York governor Kathy Hochul ang ganitong pangyayari.
“It is [like] going to a war zone, and the vehicles along the sides of the roads are shocking.”
(CS)
The post Winter storm ‘Elliott’ kumitil ng 56 na katao first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento