Tinatayang higit kumulang 28,000 aso at pusa sa Lungsod ng Caloocan ang nakatanggap ng anti-rabies shots sa pamamagitan ng programa ng Caloocan City Veterinary Department (CVD), ayon sa kanilang ulat nitong Biyernes, Enero 13.

Ang community-based vaccination na ito ay programa na inilunsad ng city government association at CVD upang matiyak anv proteksyon ng pet owners at ng publiko laban sa kagat kanilang mga alaga.

“Kabuuang 27,992 na aso at pusa ang nabigyan ng libreng anti-rabies vaccine upang masiguro ang kaligtasan ng iba pang hayop o tao na kanilang makakasalamuha,” sinabi ni CVD Officer-in-charge Dr. Teodoro Rosales.

Kinilala naman ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang effort ng mga miyembro nitong beterinaryo na ilunsad ang ganitong programa sa lungsod.

“Kinikilala ko po ang inyong pagsisikap. Batid ko po na kayo mismo ang bumababa sa mga komunidad, sa bawat barangay upang magbakuna,” ani Malapitan.

(Jan Terence)

The post 28,000 aso at pusa, nakatanggap ng anti-rabies shot sa Caloocan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT