5.9-magnitude na lindol tumama sa Iran, dalawa patay

Tumama ang 5.9-magnitude na lindol ang northwest Iran malapit sa border ng Turkey nitong Sabado na pumatay ng dalawang tao habang 580 tao naman ang sugatan.

“The shallow quake hit the city of Khoy in West Azerbaijan province at 9:44pm (1814 GMT),” pahayag ng Seismological Center of the University of Tehran.

“So far this quake has left 580 injured and two dead,” sabi naman ng West Azerbaijan governor na si Mohammad Sadegh Motamedian sa IRNA news agency.

Paparating na umano ang tulong ng kanilang gubyerno sa mga naapektuhan ng lindol.

“The minister of interior and the chief of the Red Crescent Society are on their way to Khoy,” saad ni Motamedian.

Ang Iran ay nasa lokasyon na may mga malalaking major tectonic plates at madalas na nakakaranas ng mga pagyanig.

(Jan Terence)

The post 5.9-magnitude na lindol tumama sa Iran, dalawa patay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT