Sumipa na sa 68 na katao ang nasawi dahil sa pagbagsak ng eroplano sa Nepal. Bukod sa 68 na nasawi, apat na katao pa ang patuloy na hinahanap.

Bumagsak ang Yeti Airlines Flight NYT691 sa Pokhara. Matapos ang pagbagsak, mabilis naman umano rumesponde ang dalawang helicopter at ground rescue team upang tulungan ang mga pasahero.

“The incident was tragic,” ayon kay Prime Minister Pushpa Kamal Dahal.

“The full force of the Nepali army police has been deployed for rescue.” dagdag pa nito.

Matapos ang nangyaring insidente, daan-daang katao ang pumunta sa pinangyarihan ng insidente upang magluksa.

(CS)

The post 68 katao dedo sa pagbagsak ng eroplano sa Nepal first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT