Walo ang naitalang nasugatan sa bayan ng Leyte, Leyte dahil nangyaring magnitude 5.1 na lindol dakong alas 8:28 nitong Linggo ng gabi.
Mula sa inisyal na impormasyon sa Leyte MDRRMO, karamihan sa mga nasugatan ay nabagsakan ng mga debris dahil sa lindol.
Sa isinagawa ding assessment ng MDRRMO mayroong mga kalsada sa bahagi ng bayan ang nagkaroon ng mahabang bitak.
Meron ding mga nadamage na simbahan kungsaaan nagbagsakan ang ilang bahagi ng kisame at nasira ang ilang poste.
Dahil sa takot sa malakas na pagyanig, naglabasan sa kani-kanilang mga bahay ang mga tao at agd nagtungo s amga opean areas.
Ayon pa sa impormasyon mula sa MDRRMO, kinansela ang klase ng mga estudyante sa lahat ng antas at pasok sa trabaho ngayong araw para bigyan daan na maisagawa ang assessment sa buong bayan sa mga posibleng pinsala sa lindol.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro lindol na may lalim na isang kilometro sa Leyte, Leyte at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Alangalang, Carigara, Babatngon, Barugo, Tacloban City, at Ormoc City, Leyte
Naitala din ang Instrumental Intensity IV sa Carigara, Leyte; Intensity III sa Alangalang at Ormoc City, Leyte; Intensity II sa Calubian, Albuera, Leyte at Intensity I sa Borongan City, Eastern Samar at Bogo City, Cebu.
Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks sa lindol. (Ronilo Dagos)
The post 8 sugatan sa magnitude 5.1 lindol sa Leyte first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento