Nakatanggap ang Special Assistant to the President na si Anton Lagdameo ng “surprise birthday welcome” sa Villamor Airbase.

Kasama ni Lagdameo ang kanyang asawa na si Dawn Zalueta nang siya ay supresahin sa kanyang kaarawan.

Matatandaang si Lagdameo at ang kanyang asawa ay kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davos, Switzerland.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na kailangang kumpleto ang kanyang cabinet members at staff sa pagpupulong sa Switzerland.

(Jan Terence)

The post Anton Lagdameo, sinupresa sa kanyang kaarawan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT