Isang sanggol na babae ang iniluwal kasabay ng pagpasok ng taong 2023.

Eksaktong alas-12 ng hatinggabi ng Enero 1, 2023 isinilang ni Melanie Soriano ang kanyang first baby na si Natalie Merey sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Samantala, makalipas naman ang dalawang minuto o alas-12:02 ng hatinggabi isinilang ni Jennilyn Musca ang kanyang baby girl na si Ashley.

Ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ay kilalang paanakan sa Maynila. (IS)

The post Baby girl isinilang sa Fabella Hospital sakto sa pagpasok ng 2023 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT