Isang kasisilang pa lamang na sanggol na lalaki ang inabandona sa loob ng sementeryo sa Guinayangan, Quezon.

Agad naman na-rescue ng mga tauhan ng Guinayangan Municipal police station ang sanggol.

Ayon sa report ng Guinayangan police, dakong alas-3:20, Lunes ng hapon nang madiskubre ng isang residente ang sanggol na nakalagay sa isang sako sa bisinidad ng public cemetery.

Agad itong ipinagbigay alam sa mga awtoridad at natuklasan na buhay ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord o pusod nito.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang isang araw o ilang oras pa lamang naiisilang ito ng makita.

Agad itong dinala sa Guinayangan Community Medicare para masuri ang kalagayan.

Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa tanggapan ng lokal na DSWD para sa pangangalaga sa sanggol.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at tinitingnan ang mga kuha ng CCTV sa lugar para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol at ung sino ang mga magulang nito. (Ronilo Dagos)

The post Bagong silang na baby, inabandona sa sementeryo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT