NEW YORK CITY — Umalingawngaw ang putok ng baril sa kasagsagan ng New Year’s Eve celebration sa Times Square sa New York City.

Ayon sa New York Police Department (NYPD), binaril ng kanilang tauhan ang isang 19 na taong gulang na lalaki na armado ng machete ilang kanto ang layo sa Times Square.

Inatake raw ang suspek ng tatlong NYPD personnel gamit ang machete kaya napilitan ang mga pulis na barilin ito.

Tinamaan ang suspek sa balikat na ngayon ay under arrest at nagpapagaling sa ospital

Sa kabila ng insidente sinabi ng NYPD na naidaos nang mapayapa ang tradisyunal na ball drop sa Times Square na dinayo ng libo-libong turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo

Pero hindi tulad ng inaasahan, mababa ang turnouts ng mga pumunta sa Times Square kahit ibinalik na sa full capacity ang selebrasyon dalawang taon matapos humupa. (Dave Llavanes Jr.)

The post Ball drop sa Times Square nabalot ng tensyon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT