Narekober na ng mga awtoridad ang labi ng isa pa sa magkapatid na seaman na nalunod habang nag-a outing sa Mayorga, Leyte noong Bagong Taon.

Martes ng hapon ng matagpuan ng search and retrieval team ng Philippine Coast Guard at Mayorga MDRRMO ang labi ng biktimang si Geronimo Oledan.

Ayon sa Mayorga PNP, tanghali noong mismong araw ng bagong taon ng mauwi sa trahedya ang outing ng magkakapamilya ng mga biktima sa isang beach barangay Liberty nang malunod si Geronimo at ang kapatid nitong si Pastor Oledan, 56-anyos, habang sumasaklolo sa isa pang kapamilya na naunang natangay ng alon sa malalim na bahagi.

Nailigtas ang sinasagip muling bumalik sa tubig ang magkapatid subalit bigla na lamang ang mga itong natangay din ng malalaking alon patungo sa malalim na parte ng dagat.

Unang nasagip ang biktimang si Pastor at isinugod pa ito sa ospital subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng doktor.

Natagalan naman bago nahanap si Geronimo dahil sa masamang panahon sa lugar.

Ang mga biktima ay residente ng Jaro, Leyte at nagtungo lamang sa beach sa Mayorga para magdiwang ng Bagong Taon. (Ronilo Dagos)

The post Bangkay ng mag-utol na seaman, nahanap na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT