Nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ng pamahalaan sa posibleng naging damage sa pagsadsad isang cargo vessel sa mababaw na bahagi ng dagat sa Barcelona, Sorsogon nitong Biyernes ng umaga dahil sa masamang panahon.

Nitong Linggo ay inalam ng PCG kasama ang Marine Environmental Protection Group Sorsogon, SPDRRMO Sorsogon, MDRRMO Barcelona at mga tauhan ng Philippine Army kung may posibilidad ng oil spill mula sa sea vessel na LCT Regent 101 na sumadsad sa bahagi ng sea water ng Sitio Boracay, Barangay Luneta.

Siniyasat din ng PCG ang sea bed sa lugar at tiningnan kung gaano ang naging pinsala sa mga corals.

Ayon sa report ng PCG, galing sa Lazi, Siquijor ang sea vessel noong January 19 at patungo sa Lidong, Albay.

Subalit pagtapat nito sa territorial water ng bayan ng Barcelona ay hinagupit ito ng malalakas na hangin at malalaking alon dahilan para mapadpad ito sa mababaw na bahagi.

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng barko. (Ronilo Dagos)

The post Barko inabala ng alon, sumadsad sa Sorsogon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT