Hindi nagpahuli si dating Election commissioner Rowena Guanzon at ‘hinamon’ ang aktres na si Alex Gonzaga na magpahiran. Matatandaang nag-viral ang video ng aktres kung saan makikitang walang sabi-sabi na pinahiran nito ng cake ang mukha ng isang staff.
“Alex Gonzaga you are invited to my home city Cadiz fiesta ,LAMHITANAY . Legal dito ang mag lagay ng pintura sa mukha ng iba. Dali na di kay sadya di dai. Tapat ka gid sa akon. ( lagot ka)”
May sinunod pa na tweet si Guanzon kung saan ibinanggit nito na hindi icing ng cake ang ipinapahid kundi face paint. Mayroon pang hashtag na “bastos” at “matapobre”.
“Join ka na Alex Gonzaga , Lamhitanay sa Cadiz ! Eto preview pic . For u we have special extra paint . Hinding icing on the cake #bastos #matapobre”
(CS)
The post Bastos at matapobre? Rowena Guanzon ‘hinamon’ si Alex Gonzaga na magpahiran first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento