Pumayag na si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na suspendihin ang paggamit sa body mass index bilang bahagi ng computation ng Physical Fitness Test (PFT) ng kapulisan na kailangan sa kanilang promosyon. 

Ang computation dati ay body mass index ay nasa 30 porsyento ng Comprehensive PFT at 70 porsyento naman ang PFT performance o pagkumpleto ng takdang bilang ng push-up, sit-up at kilometro ng pag-takbo. 

Ito ay nagmula sa request ni PNP Directorate for Human Resources and Doctrine Development (DHRDD) Police Major General Jon Arnaldo. 

Sa kanyang paliwanag, sinabi niyang nagresulta ito sa hindi pagkapasa sa Comprehensive PFT ng ilang kapulisan na sadyang mataba kahit na pasado ang kanilang PFT performance. 

(Jan Terence) 

The post BMI, hindi na isasama sa physical fitness rating ng PNP  first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT