Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ikonsidera ang pagbalik ng scanners at x-ray machine sa departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at airport personnel laban sa posibleng teroprismo.

Ginawa ni Go ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa nangyaring aberya sa NAIA noong bagong taon na nakaapekto sa byahe ng mga lokal at dayuhang biyahe dahil sa biglaang power shutdown.

Ayon sa senador, naging maluwag ang seguridad nang magdesisyon ang mga airport official na tanggalin ang “first layer of defense” laban sa terorismo para maging kumbinyente ang mga pasahero sa pagpasok sa paliparan.

“I have received reports that x-ray machines and scanners at the airport departure entrances were recently removed to accommodate the concerns of passengers to have faster and more convenient travel. Mas lumuwag po ang ating security para mapabilis ang mga proseso sa loob ng airport,” sabi ni Go.

“Ang tanong diyan, this is an issue of security and convenience. Do not compromise, do not risk the safety of our passengers. This may be terrorism waiting to happen,” punto ng senador.

“Hindi mawawala ang terrorism threat. Nangyari po yan sa Davao bombing noong 2003, ayaw natin magsisihan pagkatapos na meron na pong nangyari,” dagdag pa ng mambabatas.

Nagbabala si Go na makokompromiso ang kaligtasan ng mga pasahero dahil sa pagtanggal ang scanner machine sa NAIA dahil ito ang sumasala sa mga carry-on items at mga checked luggage.

“Hindi po ba makokompromiso ang kaligtasan ng mga pasahero dahil dito? Paano made-detect ang pagpasok ng kontrabando o bomba sa airport kung wala na po yung mga x-ray sa first layer?” tanong ni Go.

“We must not put the safety of our passengers at risk. While we want convenience, we must not forget that it must be our primary concern to ensure the safety of our people,” diin pa niya. (Dindo Matining)

The post Bong Go: Pagtanggal ng scanner, x-ray machine sa NAIA, banta sa seguridad first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT