Bigatin ang bumati kay Toni Gonzaga para sa kaarawan niya, walang iba kundi si Pangulong Bongbong Marcos lang naman!
Sa concert ni Toni G. sa Smart Araneta Coliseum ay ipinalabas ang video greeting ni PBBM kay Toni.
Nilarawan ng Pangulo si Toni bilang ‘very talented ultimate media superstar’, ‘great mother’ at ‘wife’.
Nagpasalamat din si Marcos kay Toni, na matatandaang naging isa sa mukha ng kampanya nila noong eleksyon.
“Hindi ka nagpapatinag sa kabila ng mga batikos. Ang suporta mo ang isa sa mga naging matibay na sandigan ko sa aking paglakbay sa pagka-Pangulo,” wika ni Bongbong.
Tinuturing din niyang blessing si Toni G.
“May you continue to inspire people with your talent, your grace, your strength in many, many more years to come. I’m always here for you. Happy, happy birthday, Toni,” aniya pa.
Si Bongbong ay ninong sa kasal nina Toni G. at Direk Paul Soriano. (RP)
Thank you Mr President @bongbongmarcos for your wonderful birthday message for my wife, Toni #HappyBirthdayToni pic.twitter.com/Ha6yNNFr75
— Paul Soriano (@paulsoriano1017) January 20, 2023
The post Bongbong binati si Toni: ‘I’m always here for you’ first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento