Humingi ng paumanhin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Senado sa ‘late’ na pagbibigay ng update sa nangyaring technical glitch sa Communications, Navigation, and Surveillance Systems for Air Traffic Management (CAS/ATM) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Bagong Taon.

Sa pagdinig ng Senate public services committee, kinumpronta ni Senador Jinggoy Estrada si CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo kung bakit Enero 9 lang ito nakapagbigay ng update sa Senado tungkol sa totoo naging sira sa system ng CNS/ATM.

Sabi ni Tamayo, parehong araw din nila nalaman o noong Enero 1 na isa samga circuit breaker ng air traffic control system ang nagkaproblema at hindi Uninterrupted Power Supply (UPS) tulad ng unang lumabas sa mga balita.

Subalit giit ni Estrada bakit ngayon lang naipagbigay-alam ni Tamayo sa Senado at umabot pa ng January 9 para maiparating na iba pala ang naging problema.

“Why did you report to our chairperson only now? …kasi pagkaalam namin UPS ang nag-malfunctio,n ngayon sinasabi mo circurit breaker. Are you incompetent?” tanong ni Estrada sa CAAP chief.

Agad naman humihingi ngpaumanhin si Tamayo. “My apology sir”.

Sa opening statement ni Tamayo sa komite, humhingin din ito ng paumanhin sa publiko sa nangyaring aberya sa NAIA nagdulot ng malaking abala sa marami.

Amimando si Tamayo na ang ang insidente ay isang bagay na hinding-hindi nila maipagmamalaki kasabay ng pagako ng responsibilidad sa nangyari.

“On behalf of CAAP and DOTr (Department of Transportation), we again extend our sincerest apologies to all those who were inconvenienced and greatly affected by this circumstance which is something we’re not proud of,” pahayag ni Tamayo.

“We take this as a lesson, and we manifest to this honorable committee and fellow Filipinos that we take full responsibility and accountability for what happened,” dagdag niya. (Dindo Matining)

The post CAAP nag-sorry sa NAIA air traffic system glitch first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT