Maigting na sumusuporta ang PRO-CALABARZON kasama ang matataas na opisyal nito sa pangunguna ni Regional Director PBGEN Jose Melencio C Nartatez Jr, sa suhestiyon ni Interior Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. na linisin ang hanay ng kapulisan sa pamamagitan ng boluntaryong pagsusumite ng kani-kanilang resignation ng mga matataas na opisyal ng PNP.

Sa pahayag ni Nartatez sinabi nito na ang agarang pagtugon ng ni CPNP, PGEN Rodolfo S Azurin Jr, na unang boluntaryong nagpahayag at nagsumite ng kanyang courtesy resignation, ay nagpapakita ng isang malakas at determinadong adhikain na alisin sa PNP ang ilang police scalawags na sangkot sa illegal drug trade.

“We all believe that with these undertaking, the PNP will assure the Filipino people that only law abiding police officers will be chosen to remain in active service and continue to be vanguards of law and fight those who take advantage of their rank and power for the benefit of these drug syndicates,” pahayag ni Nartatez.

Sa kabila umano ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa iligal na droga, lubos na naniniwala ang mga mga miyembro ng PRO-CALABARZON na sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal sa hustisya at dedikasyon sa kanilang sinumpaang tungkulin, mananatiling matatag ang rehiyon ng CALABARZON sa paglaban sa ilegal na droga ayon pa kay Nartatez. (Ronilo Dagos)

The post Calabarzon PNP suportado mungkahing resignation ng mga PNP colonel, general first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT