Nakapagtala ang probinsya ng Capiz ng 0% positivity rate sa huling bahagi ng 2022 habang ang ibang bahagi naman ng mga rehiyon ng Mimaropa, Visayas at Mindanao ay nakapagtala rin ng mababang kaso ng Covid-19.

“Based on information by OCTA Research fellow Dr. Guido David, Capiz’ positivity rate — or the percentage of people who were found positive for COVID-19 among the total number of individuals tested — dropped from 9.1% on December 24 to 0.0% on December 31,” ayon sa isang ulat mula sa GMA News. 

Bumaba rin naman ang positivity rate sa Bohol, Cebu, Davao del Norte, Davao del Sur, Leyte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Oriental Mindoro, Palawan, at Zamboanga del Sur.

Samantala, patuloy pa ring pinapaalalahanan ng DOH ang publiko na laging magsuot ng facemask at isagawa ang social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

(Jan Terence)

The post Capiz nakapagtala 0% COVID-19 positivity rate bago matapos ang 2022 – OCTA first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT