Dapat na umanong itigil ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa dahil mas mabigat aniya ang negatibong epekto ng mga ito sa lipunan kumpara sa umano’y benepisyo na dulot sa ekonomiya, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano.

“We must put a stop to POGOs because ‘yang industry na ‘yan has become a breeding ground for illegal activities such as money laundering, and there have been multiple reports of kidnapping and even murder of those working in the industry,” sabi ni Cayetano.

“In fact, rather than benefiting the economy, the presence of POGOs has harmed the reputation of our country in the international community,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Cayetano ang panwagan kasunod ng pagdinig na ginawa ng Senate Committee on Ways and Means tungkol sa buwis na kinikita ng pamahalaan mula sa mga POGO.

Sabi ng ilang, nakabatay sa malabong mga kontrata at mga third-party service providers na kapos sa karanasan ang kasalukuyang sistema ng paniningil ng buwis mula sa Gross Gaming Revenue ng mga POGO.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maaaring mawalan ng saysay ang kinikita ng gobyerno mula sa mga POGO kung lalala lang ang masamang dulot nito sa lipunan, at aniya patuloy na pinag-aaralan ng administrasyon kung ikabubuti o ikasasama lang ng bansa ang patuloy na pag-iral ng mga POGO sa Pilipinas.

Pinunto niya na mga awtoridad na mismo sa China ang tumutugis sa mga nagtatrabaho sa mga POGO, na ang karamihan ay mga Chinese nationals din, at sinabing makikipagtulungan ang Pilipinas sakaling hingin ng China ang tulong nito.

Nananatiling anti-POGO ang posisyon ni Cayetano, na nagmumula naman sa kanyang pagtutol sa anumang porma ng sugal.

“Ang punto ko lang, bakit pahahabain pa ‘yung isyu? Kumpleto naman ‘yung facts, alam naman natin kung makakabuti o hindi. So if you’re arguing from the economic side, klaro ‘yun. If you’re arguing from the moral side, klaro din ‘yun. But sa akin, ‘yung moral at economic, magkakabit,” ani Cayetano. (Dindo Matining)

The post Cayetano: Buwagin na ang mga POGO first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT