Ipinagbawal ng city government ng Cebu ang “street parties” at pag-iinom ng alak sa venue ng Sinulog 2023 sa South Road Properties (SRP) sa darating na Enero 15.

Nag-isyu ng polisiya na ito si Mayor Michael Rama nitong Linggo ng gabi na kasama rito ang pagbabawal ang liquor ban at street parties para na rin sa kaligtasan ng lahat. 

Sinabi ng Secretary ni Rama na si Lawyer Collin Rossel na ginawa ang mga polisiya na ito para maiwasan ang mga inaasahang street parties at inuman na maaaring magbigay gulo sa nabanggit na pagdaraos. 

“What we are considering here is that street parties and drinking in public may cause disorder at the Sinulog route. It’s not that we want to ban liquor. Specifically, what has been banned is the unruliness alcohol may cause,” pahayag ni Rossel.

(Jan Terence)

The post Cebu City, ipinagbawal party sa daan at alak sa Sinulog venue  first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT