Magsasagawa ng deliberasyon ang House Committee on Constitutional Amendments bukas, Enero 26, kaugnay ng mga panukala at resolusyon na nananawagan na amyendahan ang 1987 Constitution.
Ang pagpupulong ng komite na pinamumunuan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ay magsisimula ng 9:30 ng umaga.
Batay sa agenda, ang tatalakayin ay ang House Bill 6698 na nagpapatawag ng Constitutional convention (Con-con) na siyang gagawa ng mga amyenda sa saligang batas at ang petisyon ng Kapatiran Party na nananawagan ng Con-con.
Ala-1 ng hapon, ang nakalista naman sa agenda ay ang House Bill 4926 na akda ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na nananawagan ng Con-con kasunod ang House Bill 4421 na naglalayong magpatupad ng pagbabago sa presidential succession.
Susunod sa agenda ang Resolution of Both Houses (RBH) numbers 1, 2, 3, 4, at 5 na nananawagan ng pag-amyenda sa iba’t ibang probisyon ng Konstitusyon at House Joint Resolution 12 na nananawagan ng Con-con. (Billy Begas)
The post Cha-cha sasalang sa deliberasyon ng House panel first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento