Ayon kay Vice Premier Liu He, bumalik na umano ang China sa normal na sitwasyon matapos ang nakaraang milyong mamamayan nito na naitalang nag-positibo sa Covid-19 sa kanilang bansa.

Sinabi ni Liu sa meeting sa Swiss Alpine village ng Davos na “stable and smooth” na ang kalagayan sa kanilang bansa.

“The time to reach the peak (of infections) and to return to normal has been relatively fast. In some senses, it has exceeded our expectations,” pahayag niya.

“Things have comprehensively returned to normal,” dagdag pa niya.

Ang pangunahing problema na lang umano ay ang mga matatandang apektado ng pandemya ngunit gumagawa na sila ng paraan upang matulungan ang mga ito.

“Currently the main difficulty is still the elderly, those with underlying conditions. We are currently striving to tackle this,” saad ni Liu.

Sa isang ulat, milyong mga matatanda sa China ang hindi bakunado. Binatikos si President Xi Jinping dahil sa pagpalya niya umano na gawing prayoridad ang bakuna para sa mga matatanda sa kanilang bansa.

(Jan Terence)

The post China, balik normal na raw? first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT