Matapos ang state visit sa China, inimbitahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese President Xi Jinping at asawa nito na bumisita sa Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na maganda ang naging pagtanggap sa kaniya at ng kaniyang delegasyon sa Beijing kaya nagpasalamat ito sa Chinese President at siya naman ang nag-imbita para bumisita ito sa bansa.

Maganda aniyang simulan ang naging state visit nito sa China at posibleng maulit pa ito upang mas lalo pang mapatatag ang relasyon ng China at Pilipinas.

“I think that this is a very good beginning. I do not believe this will be the last visit that we will be making to China and we are anticipating as I continually reiterated an invitation to President Xi and Madame Peng to come to the Philippines and visit with us on perhaps a state visit, on official visit in the future,” saad ng Pangulo.

Bagama’t maigsing panahon lamang aniya ang kaniyang state visit, sinabi ng Pangulo na marami silang napag-usapan ni President Xi na lalong nagpalalim sa relasyon ng dalawang bansa at malutas ang mga isyung parehong pakikinabangan ng kanilang mamamayan.

“The strengthening relationship with China and the Philippines can only help smooth the way to a greater and deeper and stronger partnership between our two countries, which will also give us a stronger foundation to resolve whatever issues may continue between our two countries,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Chinese President inimbitahan ni PBBM na bumisita sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT