Dad bod ka ba? Ayon sa isang survey na isinagawa ng online matching site na Dating.com, 75% ng mga single ngayon ay mas gusto umano ang mga dad bod. 

Halos 2,000 single ang nag-participate sa survey na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa email. 

Sa survey, tinanong sila kung ano ang hanap nila at ang gusto nilang “body type” sa kanilang magiging partner. 

“The rise of the body positivity movement amid the pandemic could be the reason for this shift in preference,” saad ni dating.com vice president Maria Sullivan. 

“Singles are beginning to embrace more body types as they know the struggle of staying in shape during the pandemic,” dagdag pa ni Sullivan.

(Jan Terence)

The post ‘Dad bod’ na ang bet ng mga single ngayon  first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT