Limang magsasaka mula sa Bayambang, Pangasinan ang nagpakamatay dahil sa pagkalugi sa sibuyas.
Sa pagdinig sa Senado, dito ibinunyag ni Elvin Laceda, Presidente ng Young Farmers Challenge Club of the Philippines, ang nangyari sa mga magsasaka.
Iniharap na ni Laceda si ‘Nanay Merly’, ang asawa umano niya ay nagpakamatay noong nakaraang taon dahil sa milyon-milyon nitong utang dahil sa pagkalugi sa sibuyas.
Inatake umano ng armyworm ang kanilang mga pananim dahilan upang malugi, ngayon dapat umano sila babawi ngunit hindi ito nangyari dahil sa importasyon ng sibuyas.
Samantala, inaasahan naman ng Department of Agriculture (DA) ang pagbagsak sa presyo ng sibuyas sa kalagitnaan ng Enero dahil sa panahon ng anihan.
“January 15 is the start of the harvest. Of course, the peak is March and April but with the better supply, we can see prices going down,” ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista sa interview ng ANC.
(CS)
The post Dahil sa pagkalugi sa sibuyas, 5 magsasaka nagpakamatay first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento