Ipinapagamit ni Bayan Muna Executive Vice President Carlos Zarate sa mga political prisoner ang diskarte ni Atty. Gigi Reyes na pinayagang lumabas sa kulungan ng Korte Suprema.

“Political prisoners similarly situated and under detention for quite some time now all over the country should invoke ASAP this Writ of Interim Habeas Corpus! If it applies to Gigi Reyes, there is no reason why the same should not be applied to them,” sabi ni Zarate.

Si Reyes ay pinalaya noong Huwebes matapos na katigan ng Korte Suprema ang kaniyang inihaing petisyon para sa writ of habeas corpus na kumukuwestyon sa tagal ng kaniyang pagkakakulong habang nililitis ang kaniyang kaso.

Si Reyes ay naging chief of staff ni dating senador Juan Ponce Enrile, ngayon ay Presidential Legal Counsel.  Siya ay nakakulong noong 2014 kaugnay ng pork barrel fund scam.

“If this does not apply to political prisoners or even ordinary persons long deprived of liberty, then it can be read as another glaring example of the inequity of the country’s justice system – that is, if you are not rich and/or powerful, you will languish in prison, even if you are innocent,” giit ni Zarate. (Billy Begas)

The post Diskarte ni Gigi Reyes dapat gamitin ng political prisoners first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT