Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palaging maging handa dahil sa mga hindi inaasahang kalamidad gaya ng malawakang mga pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo sa kaniyang ipinatawag na Cabinet meeting nitong Martes sa Malacañang na dinaluhan ng lahat ng kaniyang gabinete.
Sinabi ni Press Briefer Daphne Oseña Paez na nagiging malimit ang mga pag-ulan sa iba’t ibang panig ng bansa na naging dahilan para makaranas ng malawakang flash floods ang mamamayan.
Hindi aniya tinatantanan ng mga pag-ulan ang bansa kaya dapat na manatiling vigilant ang mamamayan para makaiwas sa kapahamakan at manatiling ligtas.
“The President has asked the DSWD to always remain ready and on heightened alert as it seems that the rains, the season are not letting up so we must remain vigilant,” saad ni Paez.
Matatandaang nitong nagdaang buwan ay ilang mga lalawigan at rehiyon sa Visayas at Mindanao ang nakaranas ng matinding pagbaha at may mga naitalang nasawi, nasugatan at missing dahil sa biglang pagtaas ng tubig sa kanilang mga lugar. (Aileen Taliping)
The post DSWD pinaghahanda ni PBBM dahil sa mga hindi inaasahang mga pagbaha first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento