Mabilis na umaksyon si Pasig City Mayor Vico Sotto na ipasara ang isang KFC branch sa Pasig City matapos malaman ang pagiging madumi nito at pagkawalan ng Environmental Permit to Operate.

Makikita sa larawan na ibinahagi ni Sotto sa social media na makikita ang makapal na sebo sa nasabing kainan.

Posible naman umano itong magbukas muli kapag ito ay may EPO na.

“Pinasara ng LGU ang KFC Kapasigan kanina. Grabe yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala ring Environmental Permit to Operate. Maaari silang magbukas ulit kapag may EPO na. I love KFC, but I share this as a warning to other establishments. #FollowDLaw”

Nagbigay naman ng komento si Senador Win Gatchalian hinggil sa nasabing larawan.

“This is terrible especially from a known brand. Masisira KFC sa ganyan.”

(CS)

The post Dugyot na kainan? Vico Sotto pinasara maduming KFC sa Pasig first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT