Ikinabahala ng isang kongresista ang dumaraming kaso ng pananaksak na kinasasangkutan ng mga estudyante na nangyari sa loob o malapit sa paaralan.

Umapela si House Committee on Welfare of Children chairperson at BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) na bumuo ng joint task force na gagawa ng hakbang upang matiyak na ligtas ang mga paaralan at mga estudyante.

“This stabbing incident cannot be just an isolated incident because there have been many other fatal stabbings and violent acts involving students and also teachers,” sabi ni Co.

Ang pinakahuling insidente na naiulat ay ang pananaksak ng 15-anyos na estudyante sa isang 13 taong gulang na kaeskwela nito sa Quezon City.

Nabanggit din ni Co ang estudyante na nanaksak ng guro sa Samar, ang 14-anyos na sinaksak ng anim na menor de edad sa Quezon City, ang dalawang menor na sinaksak ng kapwa estudyante sa Cauayan City at ang 15-anyos na sinaksak sa Bacolod City.

“One problem here is, after the initial outrage and grieving lasting a few days, the incidents and assaults are forgotten as if they did not happen,” dagdag pa ni Co. “It is high time that these agencies make sure there are case follow-ups and a continuing database of cases should be maintained.” (Billy Begas)

The post Dumaraming kaso ng pananaksak na kinasasangkutan ng mga estudyante ikinabahala first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT