Isang eroplano sa Japan ang nagsagawa ng emergency landing matapos nitong makatanggap ng bomb threat.

Ang eroplano ay nagmula sa Narita airport at papunta sana sa Fukuoka. Nangyari naman ang emergency landing sa Chubu Centrair International Airport.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari, tinatayang nasa 136 na pasahero ang nasa eroplano at mayroon itong anim na crew member.

Pinasalamatan naman ng Jetstar Japan Co. ang mga pasahero na nakipagtulungan sa kanila upang maging mapayapa ang sitwasyon.

“Out of an abundance of caution, passengers disembarked via emergency slides. We know this would have been distressing for passengers and thank them for their cooperation. Our teams are supporting them and working to get them on their way as quickly as possible.” ayon sa spokesperson ng Jetstar.

The post Eroplano sa Japan nakatanggap ng bomb threat, napilitang lumanding first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT