Nanawagan si Senador Jinggoy Estrada sa pamahalaan na itulak ang pagbuwag sa kontrobersiyal na ‘Kafala system’ para maprotektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East.

Ang Kafala system, isang sponsorship system na ginagamit ng mga bansa sa Middle East at naghihigpit sa paggalaw ng mga migrant worker ay naging ‘set up’ para sa slavery o pang-aalipin, ani Estrada, chair ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

“It’s time for us to focus on studying the call of abolishing the Kafala system as done in Bahrain and in Qatar, where the Kafala system had been abolished. In Bahrain it is supposed to be the government, not individual employers, who sponsor the OFW,” pahayag ni Estrada sa kaniyang privilege speech.

“They have been benefitting from this Kafala system for a long time which we can’t deny causes abuse, harassment and modern slavery to our OFWs. It is time to strengthen the call to abolish this system,” dagdag niya.

Ginawa ni Estrada ang panawagan kasunod ng pagkamatay ni Jullebee Ranara, isang 35 anyos na domestic helper sa Kuwait na ginahasa, pinatay at sinunog pa sa disyerto.

Kasabay nito, nanawagan din si Estrada sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Department of Migrant Workers (DMW) na paigitingin pa ang pagtutok sa mga bansa kung saan maraming kaso ng pang-aabuso sa mga OFW.

“Let’s fix and strengthen the system of communication, monitoring, support and immediate assistance to our OFWs here in these countries,” saad ni Estrada.

Pinaalalahanan din ni Estrada ang mga licensed recruitment agencies sa Pilipinas at sa ibang bansa na responsibilidad nilang matutukan ang kalagayan ng pinapadalang nilang mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa.

“We expect the DMW to further monitor the quality and competence of recruitment industry members. If it’s possible, let’s only send our Filipino domestic workers to the signatory countries of the ILO (International Labor Organization) Domestic Workers Convention,” mungkahi ng senador. (Dindo Matining)

The post Estrada: ‘Kafala system’ buwagin first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT