Hindi mapigilang mag-init ng ulo ni dating congressman Terry Ridon matapos malaman ang komento ng beteranong mamamahayag na si Jay Sonza hinggil sa tattoo sa singit ni Celeste Cortesi.

Ito kasi ang sinisisi ni Sonza sa pagkatalo ni Cortesi sa nagdaang Miss Universe.

“Kung lalahok ka sa anumang beaucon, tiyakin mong wala kang tato ng malunggay sa singit. Mamalasin ka. Pramis,” saad ni Sonza.

Mabilis naman na sumagot si Ridon at tila tinawag na “mukhang talong” ang beteranong mamamahayag.

“Kung magsasalita tungkol sa beaucon, tiyakin mong hindi ka mukhang talong” ayon kay Ridon.

Kamakailan lang ay nabigo si Cortesi na makapasok man lang sa Top 16 ng nasabing patimpalak.

(CS)

The post Ex-Cong binara si Jay Sonza: Tiyaking hindi ka mukhang talong! first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT