Nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Cheloy Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office.

Ang oath taking ni Garafil ay ginanap sa MalacaƱang batay sa mga larawang inilabas sa social media.

Si Garafil ay nagsilbing Officer-in-Charge ng Office of the Press Secretary ng ilang buwan at ngayon ay ginawa ng kalihim ng PCO.

Ang kalihim ay dating mamamahayag at isang abugado.

Bago napunta sa MalacaƱang noong Oktubre 2022 ay  naging Chairperson si Garafil sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), naging prosecutor ng Department of Justice (DOJ) at naging state solicitor’s sa Office of the Solicitor General (OSG).

Nagsilbi rin si Garafil bilang director ng House Committee on Rules sa Kamara de Representantes. (Aileen Taliping)

The post Garafil nanumpa na bilang bagong kalihim ng PCO first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT