Sa ibinahaging video ng Digicast Negros sa social media, makikita ang madaming tao habang nakapalibot sa hapag ng pagkain. Gagawin sana ng mga ito ang nakasanayang boodle fight sa ‘Pinas.

Ngunit imbes na kumain, makikita sa video na mas marami ang nagbalot at tila inuwi pa ang pagkain.

Ilang netizens naman ang ikinatuwa ang nakita sa nasabing video.

“Boodle fight hwag namn balot fight.,”

“Sana sa kanya2ng bahay nalng sila nag boodle fyt parang gusto nila iuwe lahat ng pagkain”

Bagama’t may ibang natuwa, may isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang inasal ng mga nagbalot sa kainan.

“So shameful, not a good scene to watch at all. They were not eating, there was no fellowship around the table, people carried plastic bags to take home the food.”

(CS)

The post Ginawang Sharon? Boodle fight ng mga Pinoy naging balot fight first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT