Isang “excellent investment destination” umano ang tingin sa Pilipinas ng mga kalahok sa World Economic Forum (WEF).

Sinabi rin ni dating Pangulo at incumbent Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa isang panayam na naka-post sa social media na maganda ang dating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa WEF.

“At matagal nang paniniwala ko na magiging maganda ang dating ni Pangulong Marcos dito sa Davos. He is western educated, at intelehente siya, articulate sya. To put it in English, ‘he speaks their language,” sabi ni Arroyo.

Mahalaga rin umano na alam ni Marcos ang kahalagahan ng pagsasama ng gobyerno at pribadong sektor upang umunlad ang ekonomiya at naniniwala sa Pangulo ang pribadong sektor.

Ayon kay Arroyo, positibo ang reaksyon ng mga kalahok sa WEF gaya ni dating UK Prime Minister Tony Blair sa COVID response ng gobyerno.

“At ikalawa naman kinikilala nila na mahusay ang pangangasiwa ng Pilipinas. In fact, historically, maganda ang track record ng ating bansa na magagaling ang mga economic managers kung sino pa man ang (nakaupong) Pangulo. So ibig sabihin nun stable ang pagpapalakad ng ating ekonomiya kaya’t maganda ang ating economic forecast sa 2023,” sabi ni Arroyo.

“In one sentence, the Philippines is an excellent investment destination. We will welcome you. We will welcome you at tayong mga kapwa Filipino ipagmalaki natin ang ginagawa ng ating Pangulo para sa ganun dumami ang trabaho sa ating bansa,” dagdag pa ng dating Pangulo. (Billy Begas)

The post GMA: PH tinitingnang investment destination sa WEF first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT