Sinira ng mga hindi nakilalang salarin ang isang heritage bridge sa Quezon province.

Lunes ng umaga nang matuklasan ng mga awtoridad ang ginawang pagsira sa ilang bahagi ng Malagonlong bridge na nasa Dumacaa river sa Barangay Barangay Mateuna at Lakawan sa Tayabas City.

Sa Facebook post ng Cultural Heritage Preservation Office ng Tayabas City makikita na tinibag ng mga salarin ang ilang pader na nagsisilbing railings nito ganoon din ang ilang poste.

Iniimbestigahan na ito ng pulisya at inaalam kung sino ang may kagagawan ng pagsira sa makasaysayang tulay.

Ang Malagonlong bridge bridge na gawa sa adobe stone, limestone at molasses at itinayo ng mga kastila noong 1840 hanggang 1850 ay itinuturing na isa sa pinakamahaba at pinakamatandang tulay na naitayo sa Pilipinas noong Spanish era.

Noong August 12, 2011, idineklara ito ng National Historical Institute na ngayon ay National Historical Commission of the Philippines na isang historical structure at nilagyan ng historical marker.

Ginawa na ngayon itong tourist attraction at hindi na ginagamit sa trapiko mula ng maitayo ang isang bagong tulay kahilera nito. (Ronilo Dagos)

The post Heritage bridge sa Quezon province binaboy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT