Tila may plano na kaagad si Elon Musk para sa Twitter matapos nitong ibuking na hindi magiging boring ang 2023.

“Hope you’re having a great day 1 2023! One thing’s for sure, it won’t be boring.” saad sa tweet ni Musk.

Ilang netizens naman ang may sey sa nasabing tweet ng bilyonaryo.

“You worked hard this year and lost over 200 billion. I believe that this year you will surpass yourself with even worse decisions.”

“Never boring, always discovering. HNY, Elon!”

“The mainstream media has to stop telling us who is the good or bad guy. We have our own brains. Thanks Elon Musk for buying Twitter in 2022 and protecting free speech.”

Nito lamang 2022 ay nakuha na ni Musk ang kapangyarihan sa Twitter at magmula nang mahawakan niya ito ay marami na kaagad itong ginawang pagbabago.

Marami naman ang umalma sa mga hakbang ni Musk lalo na sa ginawa nitong pagpapatalsik ng mga matataas na opisyal ng nasabing social media platform.

(CS)

The post Hindi boring? Elon Musk may pangako sa netizens sa bagong taon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT