Dahil sa pag-aalala sa seguridad sa Sinulog grand parade, 10 dancing contingents ang umatras at hindi na makikilahok sa nasabing parada.

Ang mga contingents ay mula sa lugar ng Moalboal, Tuburan, Carmen at Consolacion at mga lungsod ng Carcar, Toledo, Talisay, Naga, Lapu-Lapu at Mandaue.

Ayon kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ang mga mayor umano ang nagpasya na hindi na makikilahok ang mga nasabing lugar.

Babalik lang umano ang mga ito kung gaganapin ang parada sa Cebu City Sports Center.

”I told them SRP is no longer an option,” sagot ni Garcia.

Ngayon na lang muli gaganapin ang Sinulog matapos ang pagtama ng pandemya sa bansa.

(CS)

The post Hindi ligtas? Ilang grupo umatras sa Sinulog grand parade first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT