Inihirit ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ipagbenta na lang sa Kadiwa Stores ang mga asukal na nasabat sa Batangas Port.

Matatandaang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Batangas (Boc-PoB) ang 4,000 metriko toneladang Thailand White Refined Sugar.

Ang asukal umano ay nakapaloob sa 80,000 bags.

Dumating umano ang barko sa nasabing lugar ng walang Notice of Arrival.

Tinataya naman na nagkakahalaga ng P261 million ang nasa 4,000 metriko tonelada ng asukal.

(CS)

The post Hirit ng SRA: Ibenta sa Kadiwa Stores mga nasabat na asukal first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT