Kinaaliwan sa social media ang ibinahagi ni Gojie Cruz na larawan kung saan makikitang hindi na nito hiniwa ang hotdog at nilagay na ng buo sa spaghetti.
Ayon pa kay Gojie, hindi umano ito tinipid kundi tinamad lang.
“Kain tayo mga kahampy! Hindi tinipid pero tinamad” saad sa caption ni Gojie.
Umani naman ito ng mga nakakatuwang reaksyon mula sa mga netizen.
“kesa naman ginawang sabaw sa kanin spaghetti sauce”
“Hotdog na may konting spaghetti”
“Parang hindi naman tinamad kasi may hiwa yun mga hotdog e”
“kulang po ata ng stick at marshmallow hahaha”
Humakot naman na ng lagpas sa 4,000 reactions at 2,000 shares ang nasabing larawan.
(CS)

The post Hotdog na may kaunting spaghetti? Netizen ibinida ang pang-tamad na spaghetti first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento