Kinumpirma na ng Netflix na magkakaroon ng season 2 ang pumatok na programang ‘Wednesday’, ito ay inanunsyo nila sa kanilang Twitter page.

“Wednesday has been officially renewed for Season 2!”

Ang sikat na programa ay pinangungunahan ni Jenna Ortega, kung saan talaga namang minahal ng mga manonood ang magaling na pag-arte ng dalaga.

Excited naman na ang showrunners ng programa na magkakaroon pa ng isang season ang nasabing programa.

“Thrilled to continue Wednesday’s tortuous journey into season two. We can’t wait to dive head first into another season and explore the kooky spooky world of Nevermore. Just need to make sure Wednesday hasn’t emptied the pool first.” ayon sa pahayag nina Alfred Gough at Miles Millar.

(CS)

The post Isa pa! ‘Wednesday’ magkakaroon ng season 2 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT