Kailangang pabilisin ang pagsisikap na gawing makabago ang sistema ng transportasyon sa Pilipinas dahil ilang dekada na itong napapag-iwanan sa kalapit bansa sa Southeast Asia, ayon kay Senador JV Ejercito.
“My estimate is that we’re about thirty, thirty-five years behind in terms of infrastructure development and transportation modernization compared to our neighbors,” sabi ni Ejercito sa panayam sa ANC.
Paliwanag ni Ejercito, vice chair ng Senate Committee on Public Services, sa kasalukuyan ay hindi pa perpekto ang pamumuhunan sa infrastructure development at transportation modernization sa bansa.
“For several decades, we have not really invested much on transport the way our ASEAN neighbors did. We are only investing about two percent of the Gross Domestic Product. It’s supposed to be five percent for infrastructure development,” ayon sa mambabatas.
Kung lalo lang aniyang mapapabuti ang transportation system ng bansa, partikular na ang railways, mas bibilis umano ang pagbuhay o pagbangon ng ekonomiya matapos padapain ng COVID-19 pandemic.
“With transportation, with railway systems, more than airports, movement of people, movement of goods will be easier. That will attract, of course, foreign investments. That will make doing business easy and more convenient,” saad ni Ejercito.
“Transportation modernization and infrastructure development will cost a lot but I think the returns to the economy will be enormous,” dagdag pa niya.
Noong Lunes, kasama ni Ejercito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mga opisyal ng Department of Transportation at kinatawan ng Japan International Cooperation Agency sa paglulunsad ng tunnel boring machine para sa Metro Manila Subway System project. (Dindo Matining)
The post JV Ejercito: PH transport modernization 3 taong nang nangungulelat first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento