Sa panayam ng Politiko, sinabi ni Senador JV Ejercito na mariin niyang tinututulan ang pribitisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ang planong pagsasapribado ng NAIA ay may kaakibat nitong national security concern.
Dagdag pa ng senador na ang communication, navigation, at surveillance ay dapat hawak at pinamumunuan ng gobyerno ng ating bansa.
Samantala, inihalimbawa naman ng senador ang national security concern sa National Grid Corporation na ang malaking porsento nito ay pagmamay-ari ng Chinese entity at may kakayahan itong paralisahin ang ekonomiya.
(Jan Terence)
The post JV Ejercito, tutol sa pagsasapribado ng NAIA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento