Hindi ganap ang kagalakan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglago ng ekonomiya ng bansa nitong 2022 dahil sa patuloy pa ring nararanasang inflation sa bansa.
Ayon sa Pangulo, mayroon pa ring problema sa ilang sektor ng lipunan kaya ito ang tinututukan ngayon para ganap na matamasa ng mamamayan ang mataas na paglago ng ekonomiya.
“However, for 2023, we still have the problem of inflation which means there is still a problem of certain sectors of society and of the economy, [who] have yet to enjoy the benefits of that growth.And that’s why inflation is something that we are attending to,” anang Pangulo.
Magandang balita aniya ang paglago ng ekonomiya nitong 2022 dahil nalampasan ang mga dapat asahan at malaking bagay para sa Pilipinas ang 7.6% na paglago ng ekonomiya.
“We are happy to receive the news that our growth rate for the year 2022 exceeded all expectations even by the estimates of the international financing institutions and we are holding at 7.6 percent,” dagdag ng Pangulo.
Umaasa ang Presidente na sa pagpasok ng 3rd o 4th quarter ng 2023 ay bababa ang inflation ng 4 percent batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas partikukar ang mga produktong agrikultura na masyadong tumaas ang presyo nitong huling quarter ng taon.
Binigyang-diin ng Presidente na kailangang mamantina ang gumagandang takbo ng ekonomiya at makahikayat ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.
“We must maintain, however, that growth rate and that is why it has become so important for us to go out and to attract investment into the Philippines because that is the only way for economic activity to increase and therefore to grow the economy,” wika ng Pangulo.
Naniniwala si Pangulong Marcos Jr. na nasa tamang direksiyon ang bansa subalit kailangan pa ring maging handa sa mga hindi inaasahang kaganapan mula sa ibang bansa na maaring makaapekto sa sitwasyon ng pandaigdigang ekonomiya. (Aileen Taliping)
The post Kahit lumago ekonomiya, PBBM hindi pa masyadong happy first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento