Napuruhan ang anim na katao sa isang train station sa Paris matapos manaksak ang isang lalaki.

Nangyari umano ang insidente sa Gare du Nord.

Mabilis naman na sumaklolo ang mga awtoridad at napuruhan sa dibdib ang suspek at dinala na ngayon sa ospital. Hindi pa naman malinaw kung ano ang motibo ng suspek sa ginawang pananaksak.

Ang ginamit umano ng suspek ay hindi kutsilyo kundi isang homemade na sandata, ito ay ayon kay Minister of the interior, Gerald Darmanin.

Kabilang umano sa mga inatake ng suspek ay isang police officer.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

(CS)

The post Lalaki nanaksak sa train station sa Paris, anim sugatan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT