Itinulak ng apat na kongresista ang pagbibigay ng lifetime validity sa pasaporte ng mga senior citizens.

Sa House Bill 6682 na akda nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, at ACT-CIS Representatives Edvic Yap at Jeffrey Soriano ay aamyendahan ang Philippine Passport Act of 1996 (Republic Act 8239).

Ayon sa Commission on Population and Development nasa 8.7 milyon ang bilang ng mga Pilipino na edad 60 pataas. Sa bilang na ito, nasa 1.3 milyon ang mahirap, ayon naman sa Department of Social Welfare and Development.

“Given recurrence of health conditions at old age, the country’s senior citizens shall not undergo the rigorous and long process associated in the renewal or application of passports,” sabi ng mga may-akda sa explanatory note ng kanilang panukala.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng lifetime validity ang pasaporte na kinuha ng mga Pilipino na edad 60 pataas. (Billy Begas)

The post Lifetime validity ng passport ng mga senior citizen hiniling first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT